Mga Tunog ng Pag-ulan at Kulog sa Kagubatan para sa Pagtulog o Pagpokus (8 oras)
Manage episode 366552853 series 3476319
Ang nakaka-relax na tunog ng pag-ulan at pagkulog na ito ay parang masahe sa iyong isipan. Ang nakaka-relax na white noise sa kapaligiran ay makatutulong sa iyo na makatulog buong gabi sa pamamagitan ng pagharang sa mga gambala. O, gamitin ang tunog ng pag-ulan para makapagpokus habang nag-aaral, nagsusulat o gumagawa ng takdang-aralin.
Sa Relaxing White Noise, ang layunin namin ay tulungan kang makatulog nang maayos. Ang episode na ito ay walong oras ang haba na walang mga patalastas sa gitna, kaya maaari mo itong gamitin bilang tunog para sa pagtulog sa buong gabi. Hinahayaan ka ng pakikinig sa mga tunog ng aming white noise na mag-lock ng iyong telepono sa gabi, upang panatilihing madilim ang iyong kwarto habang natutulog ka. Hinahayaan ka rin nitong lumipat sa ibang mga app habang nag-aaral o nagtatrabaho nang walang pagkaantala ng tunog sa kapaligiran.
Ang Relaxing White Noise ay ang unang pinupuntahan online para sa white noise at tunog ng kalikasan upang tulungan kang makatulog, makapag-aral o magpakalma ng isang sanggol. Sa mahigit isang bilyong mga panonood sa YouTube at iba pang mga platform, nasasabik kaming ibahagi ngayon ang aming nakakakalmang mga tunog sa kapaligiran sa pamamagitan ng podcast ng Mga Nakaka-relax na Tunog.
Ang white noise ay isang tuluy-tuloy na tunog sa background na ginagamit upang harangan ang mga gambala at tulungan kang makatulog nang mapayapa. Kung napupuyat ka sa gabi dahil sa maingay na kapitbahay, musika o trapiko, halimbawa, ang white noise ay makakatulong na matakpan ang mga hindi kanais-nais na tunog na iyon upang mas madali kang makatulog at manatiling tulog sa buong gabi. Ang white noise ay maaari rin maging isang mahusay na kasangkapan upang matulungan kang magpokus habang nag-aaral o nagtatrabaho sa pamamagitan ng pagtakip ng mga nakakagambalang pag-uusap. Para sa mga bagong magulang, maaaring patugtugin nang mahina ang white noise upang makatulong na mapakalma ang isang umiiyak na sanggol. Panghuli, ang Relaxing White Noise ay nagbibigay ng maraming uri ng tunog ng kalikasan kabilang ang ulan, karagatan, at mga bagyong may kulog, at naipakita ng mga siyentipiko na maaari mong pahupain ang stress sa pamamagitan ng pakikinig sa mga ni-rekord na tunog ng kalikasan. Umaasa kami na ang podcast na ito ay makakatulong sa iyo na mamuhay ng mas nakaka-relax na buhay!
Para sa marami pang tunog na makatutulong sa iyo na makatulog o makapag-aral, mangyaring tingnan ang YouTube channel ng Relaxing White Noise: https://www.youtube.com/RelaxingWhiteNoise
***
PAGTATATWA: Tandaan na ang malalakas na tunog ay maaaring makapinsala sa iyong pandinig. Habang pinapatugtog mo ang isa sa aming mga tunog, kung hindi ka makapag-usap nang hindi nagtataas ng iyong boses, maaaring masyadong malakas ang tunog para sa iyong pandinig. Mangyaring huwag maglagay ng mga speaker sa tabi mismo ng mga tainga ng isang sanggol. Kung nahihirapan kang makarinig o nakakarinig ka ng ugong sa iyong mga tainga, mangyaring ihinto kaagad ang pakikinig sa mga tunog ng white noise at kumunsulta sa isang audiologist o iyong doktor. Ang mga tunog na ibinibigay ng Relaxing White Noise ay para sa mga layuning libangan lamang at hindi para sa paggamot ng mga problema sa pagtulog o tinnitus. Kung karaniwan kang nahihirapang matulog, nakakaranas ng paputol-putol /hindi mapakali sa pagtulog, o nakakaramdam ng pagod buong araw, mangyaring kumonsulta sa iyong doktor.
© Relaxing White Noise LLC, 2015. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang anumang pagpaparami o muling paglalathala ng lahat o bahagi ng teksto/visual/audio na ito ay ipinagbabawal.
62 episoade